Mahigit isang milyong magsasaka, nakikinabang sa libreng irigasyon ng pamahalaan, ayon sa DA

Marami nang mga magsasaka ang nakikinabang sa libreng irigasyon ng pamahalaan.

Ito ay matapos naisabatas simula noong 2018 ang Free Irrigation Service Act o Republic Act No. 10969.

Ayon kay Department of Agriculture o DA Assistant Secretary Spokesperson Noel Reyes, aabot na sa 1.33 milyon na mga magsasaka ang nakikinabang sa irigasyon ng gobyerno.


Aniya, katumbas ito ng 1.1 ektarya ng lupang agrikultural na napapatubigan.

Dagdag pa ni Reyes, isa ang libreng patubig sa mga sakahan ang iiwan ng administrasyong Duterte.

Samantala, sinabi naman ni NIA Administrator Ricardo Visayas na mula 2016 hanggang 2021 ay may karagdagang 300,000 ektarya o 7.95% na nadagdag sa mga napapatubigang lupain ng pamahalaan.

Sa kabuaan, aabot na sa mahigit dalawang milyong ektaryang lupain ang kabilang na sa irrigation project ng bansa o katumbas ito ng 64.28% na irrigation development.

Facebook Comments