Mahigit isang porsyento sa kabuuang pwersa ng PNP tumanggi pa ring magpabakuna kontra COVID -19

Hindi pa nabakunahan at ayaw magpabakuna kontra COVID -19 ang mahigit isang porsyento sa kabuuang pwersa ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, batay sa datos ng PNP Health Service, 2,408 o 1.07% ang ayaw magpabakuna at sa nasabing bilang, 859 dito ay mayroong valid reason habang nasa 1,549 naman ang sadyang ayaw talaga magpabakuna.

Pero ayon sa opisyal, patuloy ang ginagawa nilang paghimok sa kanilang mga tauhan na ayaw magpabakuna.


Sa ngayon, halos 100% na sa kanilang personnel ang vaccinated kung saan 91.62% ang fully vaccinated at nasa 7.30% ang naghihintay ng kanilang second dose.

Naghihintay naman ng direktiba ang PNP kung gagawing mandatory ang pagbabakuna sa kanilang hanay para ito maipatupad.

Facebook Comments