Mahigit isang toneladang shabu na nakumpiska ng PNP, susunugin ngayong araw

Nakatakdang sunugin ngayong araw ang 1.2 na tonelada ng shabu na nakumpiska ng Philippine National Police sa mga sunud-sunod na operasyon nang mga nakalipas na buwan.

Ito ay matapos na ma-inspeksyon ng mga korte.

Gagawin ang pagsunog sa Integrated Waste Management, Inc. sa Brgy. Aguado, Trece Martires City, Cavite.


Sa ngayon, nasa custody ng PNP Crime Laboratory ang mga shabu at ituturn-over muna sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bago gawin ang pagsunog na pangungunahan ni PNP Chief Archie Gamboa.

Kabilang sa mga malalaking operasyon ng PNP Drug Enforcement Group na nakakumpiska nang sandamakmak na droga ay sa Marilao Bulacan, Gen Trias Cavite at Makati City.

Una nang inanunsyo ng PNP na nitong mga nakalipas na araw ay sunud-sunod din ang matagumpay nilang anti-drug operation.

137.7 million pesos na halaga ng shabu ang kanilang nakumpiska at 14 na drug suspek ang naaresto, kung saan pinakamarami ay ang 20 kilo ng shabu na nakumpiska sa Pasig City nang nakalipas na araw.

Maliban pa sa mga anti-drug operations sa Calasiao, Pangasinan, Talisay at Silay City sa Negros Occidental, Cebu City at Iligan City.

Facebook Comments