Nananatiling suspendido ang 730 na pasok sa eskwela sa ilang rehiyon sa bansa dahil sa sama ng panahon.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan ng class suspensions ay sa CALABARZON na sinundan naman ng Regions 3, 1, 5, 2, CAR, Region 6, MIMAROPA at NCR.
Karamihan kasi sa mga paaralang ito ay ginagamit bilang evacuation centers ng mga apektadong residente.
Samantala, wala ring pasok sa trabaho ang nasa 460 tanggapan ng pamahalaan sa nabanggit ding mga rehiyon.
Sa pinakahuling datos ng NDRRMC pumalo na sa 410,371 pamilya o katumbas ng 1.6 milyon indibidwal ang apektado ng nagdaang Bagyong Enteng at habagat sa 1,279 mga barangay sa 9 na rehiyon sa bansa.
Facebook Comments