Manila, Philippines – Nasa mahigit isanlibong transition homes o bahay ang inisyal na ipatatayo ng gobyerno para sa mga bakwit sa Marawi City.
Ayon kay Undersecretary Cesar Yano, executive director ng bangon Marawi , target ng National Housing Authority na makapagpatayo ng 600 na transition shelter bago matapos ang taon.
Pero sa ngayon, apat na unit pa lamang ang nagagawa.
Tiniyak din ng opisyal na hindi pababayaan ang mga bakwit at siniguro na bibigyan ito ng pangkabuhayan.
Nasabing temporary shelter ay mayroong 22 square meters na lawak.
Kasya dito ang nasa lima hanggang anim na myembro ng pamilya, mayroon itong maliit na lababo at sariling CR.
Single detached ang mga unit kung saan, gawa sa sandwich panel ang mga dingding, sliding ang mga bintana at bago ang mga materyales.
Mahigit isanlibong transition homes, planong itayo sa Marawi
Facebook Comments