Mahigit kalahati ng mga Pinoy, naniniwalang hindi nanlaban ang mga napatay sa war on drugs; Malacañang, pumalag!

Manila, Philippines – Kinwestiyon ng Palasyo ng Malacañang ang resulta ng survey ng Social Weather Station o SWS sa 2nd quarter ng taon kung saan sinasabi nito na 54% ng mga Pilipino ay naniniwala na marami sa mga napatay sa war on illegal drugs ng Administrasyon ay hindi nanlaban.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, mayroong mga pointed o leading questions sa survey na maaaring naging dahilan para maimpluwensiyahan ang sagot ng mga respondents.

Isa sa inihalimbawa ni Abella, nakalagay aniya sa tanong ay “marami sa mga pinatay ng mga pulis sa kampanya laban sa iligal na droga ay hindi totoong nanlaban sa pulis” at “marami sa mga pinatay ng mga pulis sa kampanya laban sa iligal na droga ay hindi naman talaga mga nagtutulak ng droga o pusher.”


Binigyang diin ni Abella, dapat ay maging maingat ang mga survey firm sa paglaltag ng mga tanong sa mga respondents para makuha nito ang pinakamalapit na pagtaya sa pulso ng bayan.

Facebook Comments