Mahigit kalahating million doses ng AstraZeneca vaccines, dumating na sa bansa

Napaaga sa oras ng schedule na alas-9:35 ng umaga ang pagdating ng higit kalahating million doses ng AstraZeneca vaccines bansa.

Alas-9:04 ng umaga lumapag ang China Airlines Flight CI701 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 lulan ang 578,000 doses na AstraZeneca vaccines.

Kasama sa sumalubong sa pagdating ng mga bakuna sina Joey Conception at ilang opisyal ng Department of Health (DOH).


Samantala, alas-4:50 ng hapon naman mamaya ang dating ng 15,000 Sputnik V lulan naman ng Qatar Airways Flight QR932 na lalapag naman sa NAIA Terminal 3 at Moderna vaccines na inaasahang lalapag ang Singapore Airlines Flight SQ912 alas-3:35 ng hapon sa NAIA Terminal 3 lulan ang mga naturang bakuna.

Facebook Comments