Mahigit Kalahating Milyon na Pagmamay-ari ng Isang Lola, Nalimas ng mga Budol-Budol Gang!

120

*Santiago City, Isabela- *Natangay ang nasa mahigit pitongraan na libong piso na pagmamay-ari ng isang lola matapos ma- Budol-budol kahapon sa Brgy. Mabini, Santiago City, Isabela.

Batay sa nakuhang kaalaman ng RMN Cauayan sa Santiago City Police Station 1, kinilala ang biktimang lola na si Bernice Carag, walumpu’t isang taong gulang, isang retiradong nurse at residente ng Baptista Village, Brgy. Calao East, Santigao City.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, nilapitan at nakipag kwentuhan umano ang isa sa limang suspek ang biktima habang ito ay mag-isang nasa harap ng isang gusali at inayang samahan ang suspek na bumili ng mga construction materials.

Agad naman umanong sumakay ang biktima sa sasakyan ng mga suspek at dito na isinagawa ang pambu-budol kung saan inalok at inutusan umano ng mga suspek ang biktima na mabibigyan ito ng incentives kung maglalabas ito ng pera sa kanyang bangko.

Kaugnay nito, matapos makuha ng biktima ang passbook sa kanilang bahay ay agad umano itong naglabas ng kanyang pera na nagkakahalaga ng pitongraan at labing-isa’t limang libong piso na natangay ng mga suspek matapos palitan ng papel ang laman ng bag ng biktima.

Naalimpungatan na lamang umano ang biktima noong ito ay nakauwi sa kanilang bahay at patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa naturang pangyayari.



Facebook Comments