Mahigit kalahating milyong doses ng Pfizer vaccines, dumating na sa bansa

68

Kabuuang 561,600 doses na karagdagang Pfizer vaccines ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kagabi.

Alas-9:07 kagabi nang lumapag ang Air Hongkong flight LD456 sa Terminal 3 lulan ang mga naturang bakuna.


Dinala ang mga bakuna sa storage facility sa Marikina City upang mapanatili ang kalidad nito.

Ayon sa National Task Force (NTF), asahan na ang sunod-sunod na pagdating ng bakuna sa bansa ngayong buwan.

Facebook Comments