
Umakyat na sa 533,480 indibidwal o 154,196 pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Wilma at ng shearline, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Batay sa pinakahuling ulat ng DSWD–Disaster Management Response, mahigit 10,000 indibidwal o 3,393 pamilya ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation centers.
Samantala, 461 pamilya o 1,743 indibidwal naman ang nasa labas ng evacuation centers at pansamantalang nakikitira sa kanilang mga kaanak o kaibigan.
Umabot na rin sa mahigit ₱9 milyon ang naipamahaging humanitarian assistance ng ahensya para sa mga apektadong residente.
Facebook Comments









