Mahigit kalahating milyong manggagawa, na-regular sa trabaho, pero 10 programa ng ahensya, natapyasan ng pondo – DOLE

Mahigit kalahating milyong manggagawa ang na-regular sa trabaho mula noong 2016.

 

Sa budget briefing ng Department of Labor and Employment (DOLE), ibinida ni Sec. Silvestre Bello III na ang pagtaas ng bilang ng mga na-regular sa trabaho ay resulta ng pangako ni Pangulong Duterte na wakasan ang kontraktwalisasyon sa bansa.

 

Sa kalahating milyong na-regular na empleyado, 65% nito ay resulta nang pagkukusa ng kanilang sariling mga employer.


 

Gayunman, aminado si Bello na marami pang kailangan na gawin ang DOLE upang mapasunod ang mga employers na gawing regular ang kanilang mga empleyado.

 

Sa kabilang banda, sampung mga programa naman ng DOLE ang natapyasan ang pondo para sa susunod na taon.

 

Ito ay dahil bumaba sa P14.42 Billion ang 2020 budget ng DOLE mula sa kasalukuyang pondo ng ahensya na P16.36 Billion.

 

Kabilang sa mga nabawasan ng malaki ay ang Government Internship Program (219%), Child Labor Prevention and Elimination Program (66%), Adjustment Measures Program (52%), Tulong Panghanapbuhay (30%), Labor Market Information (28%), Public Employment Service (18%), at Onsite Welfare Services for OFWs (8%).

 

Kung may natapyasan, nadagdagan naman ang pondo para sa Labor Laws Compliance, DOLE Integrated Livelihood Program, Jobstart Philippines, mga job fair, PhilJobNet, at career guidance employment coaching program.

Facebook Comments