Mahigit kalahating milyong pamilya sa Maynila, tatanggap ng rice subsidy mula sa lokal na pamahalaan

Aabot sa 571, 000 pamilya ang makakatanggap ng tig-tatlong kilong bigas bilang pagtugon sa pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.

Ito ay matapos bumili ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng 50,000 sako o aabot sa 2.5 milyong kilo ng bigas mula sa National Food Authority (NFA).

Magsisilbing itong dagdag tulong sa mga food boxes na naunang naipamahagi sa Maynila.


Matatandaan na nauna nang nakatanggap ng 1,000 piso ang mga naapektuhang pamilya sa lungsod sa ilalim ng City Amelioration Crisis Assistance Fund (CACAF).

Batay sa huling datos noong April 9, nasa 277 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan 36 na ang namatay at 24 ang gumaling.

Facebook Comments