Mahigit kalahating milyong piso halaga ng paputok, nakumpiska sa Antipolo City

Mahigit ₱600,000 halaga ng illegal na paputok ang nakumpiska ng Antipolo City-Philippine National Police sa tapat ng Robinsons sa Antipolo City.

Iba’t ibang klase ng mga paputok ang nakumpiska kabilang na ang 15 metrong haba ng sinturon ni Hudas.

Paalala ng Antipolo PNP sa publiko, na mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga anumang klase ng paputok sa lungsod.


Bukod sa Antipolo PNP, katuwang din sa kampanya ang Bureau of Fire Protection (BFP).

Facebook Comments