Umaabot sa Php 687,500.00 ang kabuuang kinita ni Cainta Mayor Kit Nieto sa walong araw na pagsusubasta ng kaniyang mga sapatos upang mabigyan ng ayuda ang kanyang mga kababayan na nawalan ng trabaho dahil sa Enhance Community Quarantine (ECQ).
Sa kanyang Facebook page sinabi ni Mayor Nieto na ang lahat ng kanyang kikitain sa pagsusubasta ng kanyang mga sapatos ay kanyang ibibigay sa 343 na mga manggagawa na nawalan ng trabaho kung saan bibigyan niya ng tig P2000 assistance bawat isa at sasamahan pa ng Alkalde ng food packs good para sa limang araw.
Paliwanag ng Alkalde na mgpapa-auction uli siya ng tatlong pares ng sapatos bukas at araw-araw niyang gagawin hanggang sa matapos umano ang ECQ at hindi siya titigil sa pagpapasubasta ng kanyang mga sapatos hanggang maubos ang kanyang mga koleksyong sapatos.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Nieto sa mga tumangkilik sa kanyang pagpapasubasta ng kanyang mga sapatos dahil marami umano itong matutulungan ng kanyang mga nsasakupan.