Mahigit kalahating milyong pisong halaga ng iligal na droga, nasabat ng SPD sa Taguig City

Umaabot sa P714,000.00 ang kabuuang halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (SPD) mula sa apat na hinihinalaang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa Rohale Steet, Brgy. Calzada, Tipas, Taguig City.

Kinilala ni SPD acting District Director PCol. Kirby John Brion Kraft na sina Juvylyn Basco Ramirez a.k.a Bente, 42-anyos, Tahir Mamasabolod Sumlay, 34-anyos, Bajunaid Candot Yusoph, 43-anyos, Melandro Blancaflor Lazarte, 41-anyos at Mark Anthony Pulga Alelojo, 40-anyos.

Ayon sa imbestigasyon ng SPD, ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng-SPD kasama ang mga tauhan ng District Mobile Force Batallon ay nagsagawa ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek kung saan nakumpiskahan ng humigit kumulang 105 gramo ng shabu at P500.00 buy-bust money.


Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments