Mahigit kalahating milyong pisong halaga ng shabu nasabat sa Quezon City

Nasa mahigit kalahating milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa isinagawang entrapment operation sa isang apartment sa Quezon City.

 

Naaresto sa operasyon ang mag-amang suspek na sina Jorge Simbulan, 52-anyos at Jorge Michael Simbulan, 30-anyos.

 

Ayon sa mga otoridad, nasa 81.30 grams ng shabu ang kanilang nakuha na nagkakahalaga ng P552,840.


 

Samantala, isang timbangan, marked money na P1000 at P500; dalawang disposable lighters at dalawang cellphone pa ang nakita ng mga otoridad.

 

Sa ngayon ay dinala na ang mga suspek sa police station para sa kasong kanilang haharapin.

Facebook Comments