Tiniyak ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur na kanilang ipaparehistro ang 550,000 na undocumented na mga Pilipino sa Sabah, Malaysia.
Ang naturang mga Pinoy ay ikinukonsiderang stateless dahil sa hindi sila naka-register sa Sabah o maging sa Philippine Embassy.
Ayon kay Ambassador to Malaysia-designate Maria Angela Ponce, ang naturang mga Pinoy ay ipinanganak sa Malaysia at nasa Sabah din ang kanilang buong angkan.
Nagpadala na ang embahada ng team para magbigay ng civil registry services sa mga Pinoy sa Sabah kabilang na ang pagbibigay sa kanila ng passport.
Sa ngayon, halos 800,000 ang mga Pilipino sa Sabah at 550,000 ang hindi dokumentado.
Facebook Comments