Mahigit Kumulang na Isang Gramo ng Shabu, Nakuha sa Tulak ng Droga sa Santiago City!

62

Santiago City – Nakuha mula sa isang tulak ng droga ang mahigit kumulang na isang gramo ng shabu sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad kahapon sa Victory Norte, Santiago City.

Ayon kay Police Chief Inspector Rolando Gatan, hepe ng PNP Santiago Station 1, kinilala ang suspek na nasa drug identified ng Santiago City na si Denver Danez Maddumba, bente uno anyos, marketing specialist at residente ng Purok 5, Rizal Santiago City.


Aniya, nahuli si Maddumba sa pamamagitan ng ikinasang drug buy bust ng pinagsanib pwersa ng pamunuan nito, ang Santiago Drug Enforcement Unit at PDEA RO2 kung saan ay kasama rin umano ang kanilang drug agent na nagpanggap bilang posuer buyer.

Sinabi pa ni Police Chief Inspector Gatan na nakuha sa suspek ang marked money at play money na ginamit sa operasyon na nagkakahalaga ng walong libong piso.

Sa ngayon ay nasa himpilan na ng PNP Santiago Station 1 ang suspek at inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments