Mahigit labing isang milyong halaga ng iligal na droga, nasabat ng custom sa NAIA sa nakalipas na buwan

Manila, Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang package na nag lalaman ng mahigit labing isang milyong pisong halaga ng shabu sa mag kahiwalay na pag kakataon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong nakalipas na buwan.

Ayon sa Customs, higit dalawang kilo ng shabu ang naharang noong April 27 na ipinadala ng isang Stephanie Morse ang package para sa isang Joey Cuenca na residente ng Imus, Cavite.

Noong April 23, naharang naman ang isang package ng isang Audio Schit para kay Susano Trinidad na residente ng Quezon City kung saan naglalaman ito ng 344.50 gramo ng shabu.


Parehong nagmula sa California, USA ang mga kargamento na idineklarang medical cabinet at unan ang nilalaman.

Nadiskubre rin na peke ang consignees at ang delivery address ng mga ito.

Facebook Comments