Mahigit limandaang katao, pinaghuhuli sa One Time, Big Time operation sa Taguig City

Manila, Philippines – Pinaghuhuli ang limang daan at tatlumpung indibidwal matapos ang ikinasang One Time, Big Time operation ng pulisya sa Taguig City.

Ayon kay SPO1 Baby Girl Guanlao, kabilang sa mga naaresto ang apat katao dahil sa paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act habang tatlo naman ang sinilbihan ng warrant of arrest.

Anim na pu’t walo naman ang mga nasagip na menor de edad habang isang daan at dalawampu ang nahuling nag-inuman sa kalye.


Kasama rin sa mga nadakip sa mga ikinasang operasyon ang dalawampu’t anim na lumabag sa half naked ordinance habang tatlong daan at anim naman ang lumabag sa ilang batas trapiko.

Ayon kay Guanlao, lahat ng mga presinto ng Taguig CPS ay kasama sa naturang OTBT.

Bahagi aniya ito ng kampanya ng PNP laban sa iligal na droga at kriminalidad at pagpapaigting na rin ng implementasyon ng mga ordinansa ng lungsod.

Facebook Comments