Mahigit limang daang homebased na IDPs na naapektuhan ng gulo sa Marawi tumanggap ng tulong galing RMN DXIC

128

ILIGAN CITY- Abot langit ang ipinabot na pasasalamat ng mga Internally Displaced Person na galing sa marawi city at nasa kanilang mga kaanak naninirahan ngayon sa barangay del Carmen sa lungsod ng iligan. Ito’y matapos tumanggap sila ng mga relief goods at iba pang tulong galing nang sa ating himpilan katuwang ang JSK. Hindi na inaasahan pa ng mga homebased IDPs na mabigyan sila ng tulong sapagkat hindi naman sila sa mga Evacuation Center nakatira. Mahigit limang daan ang nabigyan ng tulong ng dxic at jsk ng relief goods, hygien kit, kitchen utensils at marami pang iba na siyang ikinatuwa at ipinapapasalamat nila dahil malaking tulong umano sa kanilang pagsisimula. Nakalikom ng donasyon ang ating himpilan dahil na rin sa ibinigay ng mga malugod nating taga pakinig at ito ang ating ibinahagi sa mga IDPs na homebased sa naturang barangay.(GHINER L. CABANDAY, RMN-DXIC ILIGAN)

Facebook Comments