Mahigit apat naraang pamilya sa Quezon City ang nabiyaan ng emergency cash grants mula sa Philippine Red Cross (PRC).
Naging katuwang dito ng PRC ang International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies.
Pinangunahan mismo nina PRC Chairman and CEO Sen. Richard Gordon at IFRC head of delegation Robert Kaufmann ang pamamahagi ng tulong pinansyal.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na nagkaloob ng multi-purpose cash grants ang PRC at IFRC sa mga pamilya na lubhang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemya.
1,500 na pamilya mula sa Brgy. Bagbag, Bahay Toro, Batasan at Tatalon ang nabigyan ng ayuda.
Nagpasalamat naman si Mayor Joy Belmonte sa tulong na ipinagkaloob ng PRC at IFRC sa kanilang mga taga-lungsod.
Facebook Comments