Mahigit na P5 bilyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng NCRPO sa 13 buwang operasyon

Umaabot sa P5,708,433,274.34 halaga ng mga iligal na droga ang nakumpiska ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director PMGen.Vicente Danao Jr. mula noong Nobyembre 10, 2020 hanggang Disyembre 12, 2021.

Base sa data ng NCRPO sa kanilang isinagawang 12,597 anti-drug operations na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 839,475.48 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P5,708,433,274.34; 568,233.17 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P68,187,980.32; ecstasy na nagkakahalaga ng P27,067,400.00; at 286.10 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng P1,516,330.00.

Paliwanag ni Danao, dahil ang NCRPO ay mayroong polisiya na “no take policy” na nagresulta ng 6,099 illegal gambling operations mula sa buwan ng Nobyembre 10, 2021 hanggang Disyembre 12, 2021 kung saan 18,122 personalidad ang naaresto at kabuuang Php 5,498,049.00 ang nakumpiska na mga panaya.


Giit pa ni Danao na bukod sa operasyon sa mga iligal na droga ay puspusan din ang kanilang ginagawang operation sa mga loose firearms kung saan ang NCRPO ay nagsagawa ng 1,296 operations laban sa mga loose firearms na nagresulta na nakakumpiska ng 1,465 mga armas at nakaaresto ng 1,353 individwal.

Tinitiyak ni Danao na tuloy-tuloy ang kanilang pangako sa publiko na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa Metro Manila na ituloy ang kanilang misyon sa lahat ng uri ng kriminalidad at iligal na droga, sugal at terorismo.

Facebook Comments