MAHIGIT P1.1 BILYONG SAHOD, IPINAMAHAGI SA MGA TUPAD WORKERS SA ILOCOS REGION

Umabot sa mahigit isang bilyong piso ang naipamahagi ng Department of Labor and Employment sa rehiyon uno sa mga TUPAD beneficiaries.
Umabot sa P1,130,256.025 ang halaga ng naging pasahod na naipamahagi ng DOLE sa mga naging manggagawa sa Rehiyon Uno dahil sa kanilang pagtatrabaho sa ilalim ng programa ng ahensya na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Sinabi ni Justin Paul Marbella, ang regional information officer ng DOLE, base sa kanilang datos mayroong nasa 248,380 disadvantaged/displaced workers sa Ilocos Region ang nabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho ng pansamantala dahil sa naging epekto ng pandemya.

Ayon pa sa kanya, hindi man regular na trabaho ngunit sinabi nitong nakatulong pa rin ang ahensya kahit na isa itong temporary employment habang naghahanap permanenteng hanapbuhay.
Ang nabanggit na pasahod ay ibinahagi noong taong 2022.
Ayon pa sa tagapagsalita ng DOLE mas palalawakin at mas papahusayin pa umano ng DOLE ang porma ng TUPAD, kung saan gagawin itong TUPAD Plus ngunit wala pa raw umanong pinal na guidelines upang amyendahan ang ukol dito. |ifmnews
Facebook Comments