Talisay, Cebu – Aabot sa mahigit isang milyong pisong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga otoridad sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Talisay City.
Sa ulat, unang nagkasa ng operasyon ang mga otoridad laban sa lider ng drug group na sina Jamel Otto pero nakatakas ito kung saan nadakip naman ang tatlong kasamahan niya na isna Norhaine Magondacan, Mutya Manusa at Montasir Obpon.
Nakuha sa kanila ang nasa 55 gramo ng shabu, isang kotse, isang money-counting machine, bankbooks, pera na aabot sa P145,000 at P13,000 na buy-bust money.
Sunod na ikinasa ang operasyon sa Barangay Inayawan kung saan nadakip ang mag-live in partner na sina Roberto Ocampo at Annabelle Labrada.
Nakumpiska sa kanila ang nasa P680,000 na halaga ng shabu.
Facebook Comments