
Sinalakay ng National Bureau of Investigation – Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) ang isang warehouse sa Tondo, Manila na naglalaman ng mga pekeng candy kung saan nasabat ang 111 na kahon ng tattoo gum at higit 200 kahon ng long-mallows na posibleng may dalang panganib.
Una nang inireklamo ng kompanyang Orion Support Inc. ang MBK Distribution Inc. sa NBI matapos matuklasang ilegal na ginagamit ang brand ng kompanya sa mga candy.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng NBI ang mga ilegal na produkto at nakatakdang sasampahan ng kasong trademark infringement ang mga may-ari ng kompanya.
Facebook Comments









