Mahigit P1-M halaga ng produktong petrolyo na iligal na ibinebenta, nasabat ng CIDG sa Cagayan

Nasabat ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ang 1.5 milyong pisong halaga ng produktong petrolyo sa operasyon sa Enrile, Cagayan.

Ayon kay CIDG Director Police Brig. Gen. Romeo Caramat, ito’y matapos na magpatupad ng search warrant ang CIDG laban sa owners, managers, at operators ng C-Gas Refilling Plant sa Brgy. Roma Norte sa naturang bayan.

Paliwanag ni Caramat na anim na indibidwal ang naaresto sa operasyon, na umano’y sangkot sa iligal na pagbebenta, at distribusyon ng mga produktong petrolyo.


Kinilala ang mga ito na sina: Jay Divina Nicolas, Gerry Dagan Ortiz, Christopher Macarubbo Elacion, pawang mga LPG re-fillers; Annabelle Esteban Domingo, Supervisor; Erwin Guerero Bañares, driver; at Jerwin Lupani Mahinay, helper.

Ang mga inaresto ay sasampahan ng paglabag sa Batas Pambansa 33 o Prohibited Acts inimical to Public Interest and National Security involving Petroleum Products.

Facebook Comments