Mahigit P1- M halaga ng shabu nasabat sa Marikina City

Nasabat ng mga otoridad ang Php 1.1 milyong pisong halaga ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang buy bust operation sa No. 302 Gold St., Minahan Interior, Brgy. Malanday, Marikina City.

Kinilala ang mga suspek na sina Marlon Taggueg, 36 anyos at Joemark Garcia, 29 anyos.

Nakumpiska sa dalawa ang 155 gramo ng pinaniniwalaang shabu at buy bust money.


Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang mga suspek.

Facebook Comments