
Nasabat ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) – Police Station One mula sa dalawang tulak umano ang mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy bust operations sa Quezon City.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas ‘Bert’, 45-anyos; at alyas ‘Gil’, 42-anyos na pawang mga residente ng Angeles, Pampanga.
Nahuli ang mga suspek sa kahabaan ng Bonifacio Avenue, Balintawak, Barangay Balingasa sa nasabing lungsod.
Aabot sa 150 grams ng hinihinalang shabu ang narekober sa mga suspek kasama na ang dalawang envelope, belt bag, cellphone, at buy bust money.
Reklamong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong isasampa laban kay alyas ‘Bert’ at alyas ‘Gil’.
Facebook Comments