Mahigit P10-M halaga ng marijuana, sinunog ng mga pulis sa Benguet

Sinira at pinagsusunog ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang 10.6 milyong pisong ng halaga ng Marijuana sa Kibungan, Benguet.

Sa report na umabot kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, 37,250 piraso ng fully grown marijuana plants at 26.5 kilograms ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakuha sa iba’t ibang site ang sinunog.

Nangyari ang operasyon at pagsusunog ng marijuana nitong June 25 hanggang June 27 sa Sitio Dalipey, Barangay Tacadang at Sitio Naptong sa Barangay Badeo.


Pero walang naaresto sa operasyon, ngunit siniguro ni Eleazar na inaalam na nila na ang mga tao na nasa likod ng pagtatanim nito.

Siniguro din nila na magpapatuloy ang kanilang eradication operations hindi lang sa Cordillera Administrative Region, maging sa buong bansa.

Facebook Comments