Mahigit P10 milyong halaga ng mga hinihanalang smuggled cigarettes, nakumpiska sa isinagawang Anti-Smuggling Operation ng PNP

Nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) at ng mga operatiba ang mahigit P10 milyong halaga ng mga hinihinalang smuggled na sigarilyo sa Davao City.

Kasama sa nasabing operasyon ng PNP ang mga grupo ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Highway Patrol Group (HPG), at Maritime Group kung saan naaresto ang apat na indibibwal.

Narekober sa kanila ang 403 master cases ng smuggled na sigarilyo kasama ang ang isang Fuso truck, Isuzu na sasakyan, at iba’t ibang cellphones.

Kung saan ang nakumpiskang ari-arian bukod sa nasabing kontrabando ay tinatayang nagkakalahalaga ng P4.6 milyon.

Sa ngayon ang mga suspek ay nasa kustodiya na ng CIDG Davao CFU at nahaharap sa mga kaukulang kaso.

Tiniyak naman ng PNP na pagtitibayin nila ang pagbabantay at pagsugpo sa lahat ng uri ng pagpupuslit o smuggling sa bansa.

Facebook Comments