Mahigit P100-K halaga ng shabu, nasabat sa isang menor de edad sa Marikina City

162

Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit isang daang libong pisong halaga ng hinihinalang droga matapos ang ginawang buy-busy operation sa Marikina City.

Nakilala ang mga suspek na sina Julian Thatus Faustino Ramos, 28-anyos at ang kasama nitong 16-anyos na binatilyo.


Nakuha mula sa kanila ang 16 gramo ng umano’y shabu na may katumbas na halagang P108,800 at P500 na ginamit bilang buy-bust money.

Ginawa ang nasabing operasyon sa kahabaan ng Kalabasa St., Brgy. Tumana ng naturang lungsod, pasado alas-8:30 kagabi.

Itinurn over naman ang menor de edad na suspek sa Women and Children Protection Desks ng Marikina Philippine National Police (PNP).

Habang nakakulong na ang kasama nitong si Ramos sa Marikina PNP at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments