Timbog ang limang lalaking hinihinalang nagtutulak umano ng iligal na droga sa lungsod ng Marikina, matapos isagawa ang buy-bust operation laban sa mga suspek pasado ala-11:00 kagabi.
Nakilala ang mga suspek na sina Ronaldo Paras Ancheta, 40-anyos; Jomil Sawadan Santos, 29-anyos; Carlo Sawadan Hernadez Chu, 49-anyos, Demetrio De Leon Santos Jr., 54-anyos; Ariel Almanzar Santos, 46-anyos.
Nakuha mula sa mga suspek ang 18 grams na pinaghihinalaang shabu at may katumbas na halagang P122,400, P500 na buy-bust money, at P600 na perang hinihinalang drug money.
Ginawa ang nasabing operasyon sa isang bahay sa No. 44 B, Minahan St., Brgy. Malanday, Marikina City, matapos makumpirma ang pagbebenta ng mga suspek ng iligal na droga sa nasabing lugar.
Nakakulong na ang mga suspek sa Marikina Philippine National Police Custodial Facility at nahaharap ang mga ito sa kasong pag labag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.