Iniulat ng Office of Civil Defense (OCD) na nakapagbigay na ang pamahalaan ng P123.69 million na ayuda sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon.
Sa datos ng OCD nasa 11,883 pamilya o katumbas ng 45,526 mga indibidwal mula sa 32 barangays sa Regions 6 (Western Visayas) and 7 (Central Visayas) ang apektado ng patuloy na pag aalburoto ng bulkan.
Ayon pa sa OCD nakapagpreposisyon na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng pondo para sa nagpapatuloy na relief efforts, kabilang ang P 31.96 million na Quick Response Funds, nakapag preposisyon din ang ahensya ng 261,018 na essential supplies at P873-M halaga ng non-food items.
Samantala, nakapagtala ang Department of Agriculture (DA) ng P33.55M na pinsala sa sektor ng agrikultura sa Western Visayas kung saan nasa 830 mangingisda at magsasaka ang apektado ang pamumuhay.
Sa kasalukuyan nananatili sa alert level 3 ang Mt. Kanlaon kung saan posibleng magkaroon ng hazzardous erruption sa mga susunod na araw o linggo.