Mahigit P100,000 halaga ng Shabu, Nakumpiska sa isang Technician

*Cauayan City, Isabela*- Tinatayang nasa mahigit P170,000.00 ang street value ng humigit kumulang 25 na gramo ng shabu ang nakumpiska sa pag-iingat ng isang itinuturing na high value target drug personality matapos mahuli sa ikinasang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)bandang 4:15 kahapon, April 13, 2020 sa Brgy. San Juan, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang suspek na si Pinklon Floyd Balinag alyas ‘Martin’, 30 anyos, may asawa, isang electronics technician at residente sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, hawak ng suspek ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na ibinenta sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P1,000.00.


Nakatunog umano ang suspek na katransaksyon nya ay operatiba kaya’t sinubukan pa nitong tumakas gamit ang kanyang motorsiklo subalit agad itong dinakip ng mga awtoridad.

Narekober sa pag-iingat ni Balinag ang isang bag na may lamang plastic box at naglalaman ng 18 plastic sachet ng hinihinalang shabu at 24 na piraso ng iba’t ibang uri ng bala ng baril at mga drug paraphernalia.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Facebook Comments