Mahigit P114-M na halaga ng shabu, nasabat sa 3 individwal sa NAIA

Naaresto ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa NAIA Complex, Pasay City ang tatlong katao.

Ito’y matapos na makumpiskahan ng ilegal na droga sa nabanggit na lugar.

Nadakip ang mga ito sa isinagawang interdiction operation sa Pairpags Center at nabawi ang 16,848 grams ng methamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng ₱114,566,400.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang mga ilegal na droga ay nakapaloob sa apat na kahon.

Kabilang din sa nakumpiska ang mga non-drug items tulad ng sling bags, mobile phones, identification cards, at iba pa, kabilang ang cash na nagkakahalaga ng ₱34,885.00

Samantala, kinilala naman ang mga nahuli sa mga alias na: “L.A.,” isang broker representative at residente ng Caloocan City; “F.S.,” isa ding broker representative at residente ng Pasay City; at “E.F.,” isang porter at residente ng Manila City.

Facebook Comments