Mahigit P119-M, iniwang pinsala ng sama ng panahon sa sektor ng agrikultura

Sumampa na sa kabuuang P119.8M ang iniwang pinsala ng sama ng panahon sa Agrikultura dulot ng pinagsamang shear line at low pressure area (LPA) sa ilang rehiyon sa bansa.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), P81M ang pinsalang iniwan sa Region 6 habang P38.5 naman sa Region 8.

Samantala, mahigit 6,000 ektaryang taniman ang sinira ng sama ng panahon kung saan nasa mahigit 23,000 ang nasirang infrastructure, machineries at iba pang kagamitan.


Umaabot naman sa 5,414 ang bilang ng mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ang hanapbuhay.

Sa ngayon, nasa 47 siyudad at munisipalidad sa Region 8 ang nasa ilalim ng State of Calamity.

Facebook Comments