Mahigit P12-B pondo ng DepEd na sinita ng COA, pinapa-imbestigahan sa Kamara para higit na mapalakas ang impeachment case laban kay VP Sara

Hiniling ni House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun sa House Blue Ribbon Committee na isama sa imbestigasyon nito ang P12.3 billion na unsettled financial transactions ng Department of Education (DepEd) na sinita ng Commission on Audit (COA).

Naniniwala si Khonghun na higit nitong mapapalakas ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Tinukoy ni Khonghun na base sa 2023 annual audit report ng COA ay nabigo ang DepEd na ma-settle o maasikaso ang notices of suspension, disallowance, and charge sa panahon ng panunungkulan ni VP Sara sa DepEd.


Punto ni Khonghun, patuloy na nadadagdagan ang natutuklasang iregular na paggamit sa pondo ng DepEd, tulad ng iniimbestigahan ng House Blue Ribbon Committee na maling paggastos ng kagawaran sa P125 million na confidential funds sa loob ng 11 araw noong 2022.

Pinaalala ni Khonghun na batay sa Philippine Statistics Authority, ang 405 sa 677 na isinumiteng pangalan na tumanggap ng nasabing pondo ay walang record ng kapanganakan.

Facebook Comments