Naniniwala ang pamunuan ng Pasig City Government na malaking pakinabangan sa prayoridad nilang pangkalusugan at edukasyon ang ipinasang unang pagbasa ng panukalang budget na P12,327,598,022 ng Pasig City para sa taong 2021.
Sa ginanap na regular session ng Sangguniang Panlungsod, inihayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang kaniyang pasasalamat sa Konseho sa pagpasa ng nasabing budget.
Paliwanag ng alkalde na nananatiling prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Pasig sa susunod na taon ang serbisyong pangkalusugan habang pangalawa naman ang kalidad na edukasyon para sa distance learning modality.
Dagdag pa ni Sotto, kabilang rin sa prayoridad nito ang programang pabahay, social services at personnel services, health pa rin ang prayoridad na nasa 30% ng 2021 budget.
Matatandaang nasa P253.5 milyon ang inilaang panukalang budget ni Sotto para sa serbisyong pangkalusugan.
Maliban sa Budget ng lungsod para sa susunod na taon, inaprubahan din ang Supplemental Budget No. 1 for CY 2020 ng Barangay Kalawaan na P5,117,932.46, Supplemental Budget No. 1 for CY 2020 ng Barangay Dela Paz na P3,000,000 at Supplemental Budget No. 1 for CY 2020 ng Barangay Kapitolyo na P9,429,385.27.