Mahigit P12-M halaga ng marijuana, winasak ng PNP, AFP at PDEA sa Sulu

Sinira ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P12.9 million halaga ng tanim ng marijuana sa Sulu.

Natuklasan ang mga marijuana sa isang 15,000 metro kwadradong plantasyon sa Sitio Tubig Baba, Brgy. Pitogo, Kalingalan Caluang, Sulu kamakalawa.

Nabatid na ang nasabing marijuana plantation ay pinamamahalaan umano ng isang Maddi Khan alyas “Maddi” at kanyang mga kasamahan.


Sa ngayon, nahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong suspek.

Facebook Comments