Narekober ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P122.4 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na operasyon sa Makati at Muntinlupa.
Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, unang operasyon ay ikinasa sa Kalayaan Avenue sa Barangay West Rembo sa Makati kung saan naaresto sina Kemin Manisi, 49-anyos at Abdulrahim Ysmael, 28-anyos, mga residente ng Cagayan De Oro City.
Nakuha sa mga suspek ang 16 kilo ng shabu na may halagang P108.8 milyong na nakasilid sa isang kulay green na packages at may nakatatak na Daguanyin refined Chinese Tea at nakalagay sa trolley travelling bag.
Nasa limang suspek naman ang naaresto sa drug operation sa Muntinlupa Highway sa Barangay Tunasan.
Nakuha sa mga ito ang 2,000 gramo ng shabu na may halagang P13.6 million.
Kinilala ang pitong naaresto na sina Liezel Julhasan, 40-anyos, Donnalyn Julhasan, 21-anyos, Denver Porlahe, 19-anyos, Sharifa Kuly, 28-anyos at Rovelyn Enot, 40-anyos.
Sinabi ni Sinas na lahat ng nahuli ay sasampahan ng kasong paglabag sa Sec. 5 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Natukoy pa ng pulisya na ang mga nahuli ay mga miyembro ng Manila-Mindanao Connection ang syndicated group sa Mindanao na nakabase sa southern Metro Manila na sangkot sa pagsu-supply ng iligal na droga sa mga siyudad sa Mindanao.