Abot sa 113,000 na gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang checkpoint sa Dinakan, Dangoy, Lubuagan, Kalinga.
Nagresulta ito sa pagkaka-aresto ng dalawang katao.
Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga naaresto na sina
Aldren Paul Cabanes Pacion, 27, at Jaymor Sacatani Eusebio, 31 years old na parehong residente ng San Vicente Tuao, Cagayan.
Ayon kay Villanueva, katuwang ng PDEA sa operasyon ang operatiba ng Police Regional Provincial Drug Enforcement Unit ng Kalinga at Apayao.
Nakumpiska ng mga otoridad ang mga brick at tubular form marijuana, dalawang cellphone na gamit sa transaksyon sa kanilang mga parokyano at puting L300 Mitsubishi na ginagamit sa kaniyang transportasyon.
Ang mga naaresto ay nahaharap ng paglabag sa RA 9165.
Pansamatala, silang isinasailalim sa interogasyon kasalukyan nakapiit sa CAR jail facility.