Mahigit P142-M na halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura, naitala ng DA matapos manalasa ang Bagyong Uwan

Pumalo na sa P142 million ang inisyal na iniwang pinsala ng Bagyong Uwan sa agrikultura at imprastraktura.

Posible pang tumaas ang halaga ng pinsala habang patuloy ang isinasagawang assessment at validation sa mga lugar na dinaanan ng Bagyong Uwan.

Sa pinakahuling update ng Department of Agriculture (DA), nasa P142.29 million na ang halaga ng pinsala sa mga pananim, pangisdaan, at imprastraktura dahil sa nagdaang bagyo.

Sa ngayon, apektado na ng bagyo ang 4,631 na magsasaka habang nasa 8,235 metrikong tonelada ang naiwang pagkalugi sa agricultural product.

Pumalo na rin sa 2,482 ektarya ng agricultural areas ang nasalanta ng malalakas na hangin, pag-ulan at pagbaha dulot ng bagyo.

Kabilang sa mga napinsalang pananim ang palay, mais, high-value crops, at livestock sa MIMAROPA at Bicol Region.

Facebook Comments