Sa loob ng isang buwan, milyon milyong pisong halaga ng ilegal na mga droga ang nakumpiska at iba ay napagtagumpayang itinurn-over sa pulisya.
Sa datos ng Police Regional Office 1, nakapagsagawa ang pulisya ng nasa 135 anti-illegal drugs operation, kung saan nakumpiska ang 978.59 gramo ng shabu at 799.31 gramo naman ng dried marijuana leaves, at nagkakahalaga ng abot P6, 750, 308. 80.
Sa ikinasang mga buy-bust operations, tiklo ang nasa 151 na mga drug suspects.
Naisurrender din sa kamay ng otoridad ang natagpuang 1, 101 gramo ng hinihinalang shabu sa Pangasinan na umabot ang halaga sa P7, 486, 800.
Nanindigan ang hanay ng kapulisan sa pagpapalakas pa ng kampanya kontra ilegal na droga sa Rehiyon Uno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









