Umaabot na sa kabuuang P15.3 million ang halaga ng tulong ang naipagkaloob ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng Bagyong Neneng.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang ayuda ay naipamahagi sa Region 1, Region 2 at Cordillera Administrative Region.
Base pa sa ulat ng NDRRMC, 16,673 food packs ang kanilang naibigay sa mga apektadong residente.
Nagkaloob din ang pamahalaan ng hygiene kits, sleeping kits at assistance to individuals in crisis situation.
Sa ngayon, tatlong lungsod sa Cagayan ang nagdeklara ng State of Calamity kabilang dito ang Sta. Ana, Sanchez-Mira at Santa Praxedes.
Facebook Comments