Nakatandang ipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit P17 million na halaga ng stockpiles, raw materials at standby funds sa Region 2.
Ayon sa DSWD Region 2 Office, maliban sa standby funds ay handa na rin ang food items na ipamamahagi sa mga nasalanta ng bagyong Ramon.
Kabilang sa apektado ang Cagayan at Isabela.
Una nang nakapagpamahagi ng P720,000 na halaga ng family food packs ang DSWD sa mga nasa evacuation centers at P697,831 na halaga ng non-food items.
Ang mga non-food item ay kinabibilangan ng sleeping bags, sleeping kit, tents, folding bed, kulambo, solar lamp, kandila at iba pa.
Facebook Comments