Mahigit P170-K na halaga ng umano’y shabu, nasamsam sa Taguig!

40

Hawak na ng Taguig City – Philippine National Police (PNP) ang isang lalaking kilalang nagtutulak ng iligal na droga sa lungsod.

Nakilala ang suspek na si Jomar Santos Joseph, 30-anyos at residente ng Barangay Lower Bicutan ng naturang lungsod.


Nakuha mula sa kaniya ang 25.8 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P175,440 at ang P15,000 na perang gimanamit bilang buy-bust money.

Ayon sa Taguig-PNP, bago ang operasyon, nagsagawa muna ang mga awtoridad ng pagmamanman sa suspek kaugnay sa iligal na gawain nito.

Matapos makumpira, agad na isinagawa ang buy-bust operation laban kay Jospeh pasado alas-3:30 kaninang madaling araw.

Inaalam na ngayon ng mga awtoridad kung saan kumukuha ng iligal na droga ang suspek na nahaharap sa kaso paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.




Facebook Comments