Sa sunod sunod na pagtama ng mga nagdaang bagyo at habagat sa bansa, nag-iwan ito ng daang libong mga apektadong residente sa Ilocos Region.
Sa pinakahuling datos ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1, nasa mahigit kalahating milyon ang naitalang apektadong pamilya dahil sa kalamidad.
Umabot naman sa kabuuang 176, 627 na mga Food at Non-Food Items na kinabibilangan ng Family Food Packs, Ready-to-eat Food, Non-Food Items, ang naipamahagi ng tanggapan sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan upang ibigay sa mga naaapektuhang residente.
Nanindigan ang mga kawani ng Department of Social Welfare and Development FO1 na magpapatuloy ang serbisyo ng tanggapan para sa mga nangangailangan lalo na sa panahon ng kalamidad.
Facebook Comments









