MAHIGIT P2.1M HALAGA NG MARIJUANA, SINUNOG NG PNP BENGUET

CAUAYAN CITY – Isang Marijuana plantation ang nadiskubre ng PNP Benguet sa dalawang communal forest sa Mt. Oten, Tacadang, Kibungan, Benguet.

Sa ulat ng mga kapulisan, may timbang na 18 kilo ang mga nadiskubreng marijuana plants at tinatayang nasa mahigit P2.1M ang halaga nito.

Nagsagawa naman ng marijuana eradication operation ang kapulisan kung saan ay sinunog nila ang nasabing ipinagbabawal na halaman.


Bago isagawa ng operasyon ay nagkaroon muna ng pagdodokumento at pagkuha ng sample para sa karagdagang pagsusuri sa Provincial Forensic Unit ng Kalinga.

Ang operasyon ay bilang pagpapaigting ng kapulisan ng Cordillera kontra sa ilegal na droga para sa mapayapa at tahimik na lipunan.

Facebook Comments