Pumapalo sa mahigit 2.3 bilyong pisong proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ininpeksyon ni Secretary Mark Villar ang kasalukuyang construction ng Bauang-San Fernando-San Juan bypass road na makapagbigay ng alternatibong ruta upang mabawasan ang nagsiksikang trapiko sa Manila North road sa bayan ng Bauang, San Fernando City at San Juan, La Union, kapag tuluyan nang makumpleto ang naturang proyekto.
Ayon kay Secretary Villar, na ang bypass road ay makapagbaba ng oras ng biyahe mula isang oras at 30 minuto simula sa Barangay Payocpoc Norte, Bauang hanggang Barangay Taboc, sa San Juan.
Paliwanag ng kalihim na on track aniya ang project at kapag natapos umano ang bypass road ay mapapabilis na ang biyahe galing sa La Union papuntang Ilocos at pabalik ng Maynila.
Ang kabuuang halaga ng alokasyon para sa Bauang-San Fernando-San Juan bypass road ay umaabot sa mahigit 2 bilyong piso kabilang ang pondo ng road right of way acquisition na pumapalo sa mahigit 115 milyong piso habang ang halaga naman ng Bauang section ay umaabot sa 1 bilyong piso at ang San juan at San Fernando section ay umabot sa 970 milyong piso.
Base sa 2018 Annual Average Daily Traffic umaabot sa 19,369 motorista bawat araw ang makikinabang kapag tuluyan ng nakumpleto ang bypass road.